Mga Imperyong umusbong sa India: Imperyong Maurya, Gupta at Mughal
Alexander the Great |
IMPERYONG MAURYA
Noong 600 BCE, ang Indus Valley ay napasakamay ng mga Persianong nagmula sa Fertile Crescent. Ang Indus Valley, bagamat ay nasakop ng mga Persiano, ay hinayaan na pamunuan ang kanilang sarili kapalit ng pagbabayad ng taunang buwis sa mga Persiano
Gayunpaman, noong 326 BCE, ang mga lupain sa Hilagang Silangan ng Indus Valley ito ay napasakamay ni Alexander the Great ng Macedonia makalipas nitong masakop ang Sinaunang Kabihasnan ng
Imperyong Maurya
Sa pagkamatay ni Alexander the Great, ang kanyang Imperyo ay agarang bumagsak kung kaya't nagawang makawala ng mgataga-Indus Valley sa kamay ng mga Griyego at Macedonian.
Kapalit ng mga Macedonian, ang kapangyarihan ay nailipat sa mga kamay ni Chandragupta Maurya at kanyang itinatag ang Mauryan Empire o ang Imperyong Maurya.
Chandragupta Maurya |
Mga nagawa ni Chandragupta Maurya
- Pinalakas ang Hukbo upang makontrol ang mga teritoryo nito
- Hinati ang imperyo sa iba't-ibang mga probinsya
- Pinaigting o improve ang kalakalan sa iba't-ibang panig ng Asya, Europa at Africa.
- Nagpagawa ng mga kalsada upang mapabilis ang kalakalan at paglalakba
Inilipat ni Chandragupta Maurya ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak na si Bindusari. Sa kanyang pamumuno, kanyang isinaayos ang mga lupaing nasakop ng kanyang ama at pinagbuti ang ugnayan ng India sa mga dayuhang estado.
Si Bindusara |
Si Bindusara ay pinalitan ng kanyang anak na si Ashoka noong 270 BCE. Sa kanyang pamumuno, pinaniniwalaan ng marami na nakamit ng Imperyong Maurya ang rurok ng katanyagan.
Kagaya ni Chandragupta at Bindusara, si Ashoka o Asoka, ay isang malupit na lider. Ngunit noong 262 BCE, kanyang sinalakay ang Kalinga, isang lupain sa Timog ng Imperyong Maurya. Ang kanyang pagsalakay ay nagresulta sa libo-libong kamatayan na nagresulta sa kanyang pagpipighati.
Kalinga |
Dahil sa pighating nadama ni Ashoka, kanyang itinakwil ang karahasan at kanyang niyakap ang Budismo.
Ashoka the Great |
Mga Nagawa ni Ashoka
- Pinaunlad ang kalakalan at industriya sa Imperyo
- nagpagawa ng malalawak na kalsada para sa mas madaling paglalakbay
- Nagpagawa ng mga pahingahan at balon sa gilid ng kalsada
- Pinahina ang Sistemang Caste at pinairal ang pagpapahalaga sa buhay ng tao.
Pagbagsak ng Imperyong Maurya
Humina ang Imperyong sa pagkamatay ni Ashoka noong 232 BCE. Tuluyan itong bumagsak makalipas na paslangin ng isang opisyal ng militar ang huling Mauryan na Pinuno.
Noong 184 BCE, ang India ay nagkawatak-watak sa iba't-ibang maliliit na kaharian.
Noong 184 BCE, ang India ay nagkawatak-watak sa iba't-ibang maliliit na kaharian.
IMPERYONG GUPTA
Ang Gupta Empire ay itinatag ni Chandra Gupta I noong 320 CE, limang daang taon makalipas ang pagbagsak ng Imperyong Maurya.
Sa panahon ng Imperyong Gupta naganap ang Ginintuang Panahon ng India na tumagal ng 200 na taon.
Chandra Gupta I |
Bakit itinuturing na Ginintuang Panahon ng India ang Imperyong Gupta?
- Nakamit ang pinakamalawak na teritoryo ng India
- naging masagana at maunlad ang pamumuhay ng mga tao sa India
- Sumigla ang kalakalan sa pagitan ng India, China, Timog-Silangang Asya at Mediterranean
- Nakapagipon ng maraming ginto at pilak ang imperyo dahil sa madami nitong minahan
Lawak ng Imperyong Gupta |
Pagbagsak ng Imperyong Gupta
Bumagsak ang Imperyong Gupta dahil sa paulit-ulit na pananalakay ng mga Huns mula sa Hilaga. Tuluyang bumagsak ang imperyo sa pagkamatay ni Harsa, isang pinunong militar na namumuno sa Gupta Empire.
IMPERYONG MUGHAL
Ang mga nagtatag ng Imperyong Mughal ay nagmula sa Kanlurang Asya at mga Muslim. Sila ay dumaan sa Khyber Pass na dinaanan din ng mga Aryans noong 1500 BCE.
Kilala ang mga Muslim na ito sa tawag na Mughal kung kaya't ang kanilang imperyong itinatatag ay tinawag na Imperyong Mughal.
Mga Kilalang Pinuno ng Imperyong Mughal
1. Babur
Siya ay anak ng dakilang mananakop na si Timur Lame o Tamerlane. Sa kanyang pamumuno napatalksik nya ang mga naunang Muslim na sumakop sa India bago ang pagdating ng mga Mughal sa India.
2. Akbar
Naging hari ng Mughal noong 1556. Kanyang napalawak ang imperyo mula Himalayas hanggang Godavari River at kashmir
Mga Mabuting Nagawa ni Akbar
- Pinahintulutan ang mga hindi Muslim na maglinkgkod sa pamahalaan
- nagbigay ng Religious freedom sa mga naninirahan, kung saan maari silang pumili ng kanilang pananampalataya
- Pinaliit ang buwis ng mga tao
- Binagyan ng gantimpala ang mga mahuhusay na tagalingkod
- Pinaunlad ang kalakalan ng India sa iba pang kabihasnan
- Pinatigil ang mapaniil na pagpaparusa sa mga hindi Muslim
3. Jahangir
Jahangir |
Si Jahangir ay anak ni Akbar at nakuha ang kapangyarihan noong 1605. Sa kanyang pamumuno, humina ang Mughal Empire dahil sa impluwensya ng kanyang Persian na asawang si Nur Jahan. Ninais ni Nur Jahan na mapayaman ang kanyang pamilya kung kaya inimpluwensyahan nya si Jahangir na gumawa ng mga aksyon na makabubuti lamang sa kanyang pamilya.
4. Shah Jahan
Sha Jahan |
Kilala si Shah Jahan bilang emperador na nagpagawa ng isang magarang libingan para sa kanyang pinakamamahal na asawa na si Mumtaz Mahal. Ang libingang ito ay kilala sa kasalukuyang bilang taj Mahal.
Taj Mahal |
Bagamat kanyang napalawak imperyo sa Deccan Plateau at Hindu Kush, mas nakilala si Shah jahan sa kanyang mga kabiguan na magreresulta sa paghina ng Imperyong Mughal
Mga kabiguan ni Shah Jahan
- Nabigo syang lutasin ang suliranin ng kagutuman sanhi ng pagtuyot sa kanilang lupain
- Nabigo syang lutasin ang kahirapan ng mga ordinaryong tao
- Hindi nya naipaaayos ang mga irigasyon ng mga taniman at kalsada para sa kalakalan
- Sya ay naging labis na maluho
- Naging magastos ang kanyang mga building projects at military campaign
Namahala si Shah Jahan ng 30 taon at nasawi noong 1650. Ang kanyang mga anak na lalaki ay nag-agawan sa trono. Isa sa mga ito ay ipapapapatay ang kanyang sariling kapatid upang makuha ang trono; siya si Aurangzeb.
5. Aurangzeb
Si Aurangzeb ay isang debotong Muslim. Dahil sa kanyang debosyon, kanyang ipinagbawal ang mga gawaing di-Muslim sa Imperyong Mughal. Ilan sa mga ito ang sumusunod
- Ipinagbawal nya ang pagpapatayo ng mga templong Hindu
- Pinatalsik nya sa pwesto ng pamahalaan ang mga di-Muslim
- Sapilitan nyang ginawang Muslim ang marami sa mga di-Muslim na mamamayan ng India
- Pinatawan nya ng mas mataas na buwis ang mga di-Muslim
Pagbagsak ng Imperyong Mughal
Dahil sa di-magandang pamamahala, ang mga Hindu at iba pang di-Muslim ay nagrebelyon laban kay Aurangzeb. Sa pagsapit ng 18-siglo, lalo pang humina ang imperyo dahil sa pagaagawan ng mga anak ni Aurangzeb sa kapangyarihan.
Sa pagdating ng mga Europeo sa India, ang huling mga labi ng Imperyong Mughal ay tuluyang nawala. Noong 1857, ang India ay napasakamay ng mga British at tinanghal si Queen Victoria bilang empeatris o empress ng India.
Queen Victoria |
Ang mga Imperyo ng India ay lubos na nakaapekto a kasaysayan, kultura at maging ekonomiya nito. Ito ang dahilan kung bakit mayroong malaking populasyon ng Muslim sa Timog Asya sa kasalukuyan.
Nice 🙂
ReplyDeleteGood
ReplyDelete